top of page
Jorge B. Vargas:
A Collecting Life
A permanent collection exhibition of memorabilia items from the Vargas Museum Library and Archives
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
|---|---|---|---|
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() |
Ang maigting na pagkawili sa kulturang Pilipino ang bumuo sa hilig ni Jorge B. Vargas sa pagtitipon ng mga bagay bilang isang kolektibong pamana. Ang eksibisyong ito ng memorabilia ay naghahandog ng tatlong nagsasalikop na mga dalumat na nagpapabatid na sa gawi ni Vargas sa pagtipon ng mga bagay. Ang mga ito ay umiinog sa kaniyang likas na pagkiling sa mga bagay na humuhubog ng isang koleksiyon: Kawilihan (Fascination), Kasaysayan (History), at Kasanayan (Discipline). Ang pagkakaunawa sa Filipiniana ay ang tiyak na udyok sa pagpapahalaga sa buhay panlipunan ng isang bayan sa kabuuan ng paghubog nito.
Sinusubaybayan sa KAWILIHAN (FASCINATION) ang personal na buhay ni Vargas bilang isang taong lubos na nakaugat sa kaniyang tahanan, nakatuon sa kaniyang buhay pamilya, at isang masugid na tagahanga ng mga masining na gawain. Ang mga litrato at ipinintang larawan ng kaniyang pamilya, pati na rin ang mga larawan ng Kawilihan na kaniyang tahanan, ay ibinahagi kasama ang mga souvenir tulad ng mga panulat, abuhan, liyabera, at mga kahon ng posporo. Sila ay tumutukoy sa mgaalaala ng kaniyang mga paglalakbay at pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga tao sa iba't ibang lugar. Ang kaniyang dedikasyon sa pagkatuto ay nakahimlay sa mga librong kaniyang tinipon at mga eksibisyong kanyang dinaluhan.
Ibinubunyag sa KASAYSAYAN (HISTORY) ang ugnayan sa pagitan ng gawi sa pagtatamo at sa pagtatangan ng pampolitikang kapangyarihan. Narating ni Vargas ang tugatog ng kaniyang karera noong panahon ng Komonwelt, ng Digmaang Pasipiko, at sa panahon ng pananakop ng Hapon. Siya ay isang prominenteng tao sa larangan ng politika, isang masigasig na tagapangalaga ng mga talaan, at isang tagatipon ng mga panandaliang bagay. Siya ay nagmungkahi ng isang antas ng pagkakaugnay-ugnay hinggil sa isang koleksiyon habang lumilinang ng isang pambansang hangarin sa gitna ng nagpapatuloy na pagkawasak dulot ng digmaan, ng nakakabagabag na transisyon sa kasarinlan, at sa mahalagang pagbangon ng pambansang ekonomiya. Ang mga litrato, dokumento, at iba pang mga kagamitan na nagpapatunay sa ilang mga ideyolohiya, pangkultura at pagkakakilanlan bilang Pilipino ay nagpapatunay sa gayong mga pagsusumikap. Si Jorge Vargas ay nangu na sa pagsulong ng palakasan, pag-iiskawt, at gawaing kawanggawa na nagpatibay at bumuo sa kaniyang pampublikong katayuan.
Ipinapahayag sa KASANAYAN (DISCIPLINE) ang kagalingan ng isip at katawan. Ang paghasa sa intelek at pisikal na kakayahan ang humubog sa ilang mga hangarin ni Vargas mula pa noong siya ay nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas hanggang sa panahon ng kaniyang ugnayan sa mga organisasyon para sa gawaing panlipunan. Ang mga likhang sining, mga produkto ng sinaunang tao, souvenir, at iba pang mga bagay ay nagpapahiwatig sa ugnayan sa pagitan ng tao at ng kaniyang mga damdamin, na katibayan ng kaniyang pagsisikap na maging mahusay sa anumang adhika o gawain, upang matanto ang mga malikhaing potensiyal ng tao, at maging
angkop ang kalagayan ng katawan at kalooban.
Heading 6
A keen interest in Philippine culture sustained Jorge B. Vargas's passion for collecting a shared heritage. Our memorabilia exhibition presents three intersecting concepts that inform Vargas's collecting practice that centered around his disposition toward objects: Kawilihan (Fascination), Kasaysayan (History), and Kasanayan (Discipline). This understanding of Filipiniana is the defining impulse in cherishing the social life of a nation throughout its formation.
KAWILIHAN (FASCINATION) traces Vargas's personal life as a man firmly rooted in his home, dedicated to family life, and avid enthusiast of artistic pursuits. Photographs and painted portraits of family members, as well as photos of the Kawilihan home are presented together with souvenirs such as pens, ashtrays, key chains, and matchboxes. This trove of objects has expanded and deepened over time. They reference memories of his travels and his everyday interaction with people and places. Jorge Vargas's commitment to learning is gleaned from the books he collected and the exhibitions he attended.
KASAYSAYAN (HISTORY) reveals the ties between the practice of acquisition and the possession of political power. Jorge Vargas's career peaked during the Commonwealth era, the Pacific War, and the Japanese Occupation. He was a prominent political figure, a diligent keeper of records, and a collector of ephemera He proposed a form of coherence regarding a collection while nurturing nationalist aspirations amidst the lingering ruins of war, the fraught transition to independence and the crucial rebuilding of the economy. Photographs, documents, and paraphernalia affirming certain ideologies of Philippine culture and identity attest to these endeavors. Jorge Vargas was also at the forefront of sports, scouting, and charitable work, rounding out his public presence.
KASANAYAN (DISCIPLINE) speaks of the well-being of mind and body. Honing intellect and physical talent formed part of Vargas's ideals from his days at the University of the Philippines to his engagements in organizations in the social sphere. Artworks, and other objects signify the relationship between the man and his sympathies, proof of his constant effort to excel in any quest or vocation, to realize the creative potentials of the human being, and to be fit in body and spirit.
Heading 6
bottom of page















